Lunes, Disyembre 26, 2011

ang kumedyante...


Tungkol sa akin..
Isa lang akong simpleng mamamayan ng bansang pelepenas. Isang mamamayang walang magawa sa buhay kung kaya naisipang tumulad sa ibang mamayang walang ring magawa sa buhay (joke #1). Bakit nga ba nagblog ako? ( Huwag mong subukang sagutin ang katungang ito sapagkat ito ay para lang sa akin.  kuha mo? ) bakit nga ba? Katulad ng pangarap kong magkaroon ng bagong sapatos noong grade 5 ako  kung saan ang lahat ng tao ay lilingon at iisipin ( wow! Hanep sa sapatos astig.. ). OO, aaminin ko may kaunti sa pagkatao ko ang nagnanais na mapansin ng mga tao ( kahit mga sampung tao lang oks na ) at para narin pagbigyan ang sarili ko. Maliit pa lang ako gusting gusto ko na ang maglaro, kaya hindi ko alam ang eksaktong panahon kung kalian ako nahilig sa pagsusulat.  At para gumanda ng kaunti at may mga bagay kayong matutuhan sa inyong pagbabasa, maglalapat narin ako ng kaunting impormasyon tungkol sa aking sarali.
Ako si Michael Rojo may sapat na gulang upang buo ng tatlong pamilya ( lols ) nagkukuta sa probinsya ng quezon. Mahilig maglibang sa mga hindi kapakipakinabang na bagay katulad ng facebook ( mykel.gwapings@yahoo.com ) at hindi lang yan marunong din akong mag chat ( ym: i.mykel ). Sa ngayon iyan lang ang mga bagay na maibabahagi ko sa inyo. Kung interesado kang makilala ako ( kapal ) halika usap tayo sa skype. Teka, wala nga pala akong skype sa ym na lang pala… hihihihihihi

Tungkol sa blog…

Malayong-malayo ito sa mga blog na hinahangaan ko, kaya kung maraming kang bagay na mapupuna ay ihihingi ko ito ng pasensya.
Katulad ng ibang blog site. May isa akong layunin para sa blog kong ito. Iyon ay ang mag-iwan sa inyong mga labi ng kahit simpleng ngiti, magbigay ng aral kung sakaling meron man at matuto sa aral na yun kung sakaling meron man ulit.

Tungkol sa nanay at tatay ko….

                Wala lang ( hahahahaha )